Post

Apostolic Identity in a Postmodern World

An exploration of Apostolic Pentecostal identity, doctrine, and practices in the modern world, emphasizing the importance of maintaining the original apostolic message and experiences as recorded in the New Testament.

Apostolic Identity in a Postmodern World

GIFT SCRIPTURE STUDIES

September 17, 2025 / 6:30-8:30 PM

FOREWORD

The main theme of this book by author David Bernard (UPCI GS) is how Apostolic Pentecostals should live and how the Apostolic Pentecostal church should minister in a diverse, postmodern world.

FIRST SECTION: “DEVELOPING AN APOSTOLIC WORLD VIEW”

(Positions the Apostolic movement in contrast to other historical and contemporary Christian movements. Identifies the essential elements of an Apostolic worldview.)

Topic: ANG MENSAHE AT KARANASAN NG MGA APOSTOL

(The Message and Experience of the Apostles)

Sa pabago-bagong kultura sa ating magkakaibang makabagong mundo (postmodern world), mahalaga na ating nauunawaan ang ating pinaniniwalaan, at kung bakit natin ito pinaniwalaan. Ano ba ang mahalaga sa ating pagkaka kilanlan, bilang mga biblical Christians? ANo ba ang ating foundation?Ano ba ang hindi dapat magbago? Bakit ang mga What makes Apostolic Pentecostals ay bukod tangi (unique)? The answer is that, higidt sa iba pang mga grupo, we believe that the teaching and practice of the apostles of Jesus Christ, na nasusulat sa New Testament, ay may pinakamataas o supreme na kapamahalaan (authority) at mabuting halimbawa para sa church ng kasalukuyan.

Katulad ng maraming mga konserbatibong Kristiyanong kalipunan ngayon, tayo ay nagtuturo ng ilang mga basic truths:

  1. Mayroon lang iisang manlilikha (One Creator)
  2. Ang Bible ay ang kinasihan (inspired), hindi nagkakamaling (infallible) Salita ng Diyos.
  3. Jesus Christ is both God and human, Panginoon at Tagapagligtas.
  4. The good news ay nang si Jesus ay namatay para sa ating mga kasalanan, Siyay nilibing at bumangon muli at Siyay nannanatiling buha, magpakailanman.
  5. Ang Kaligtasan ay darating sa pamamagitan ngayon Pananampalataya kay Kristo Hesus at sa kanyang pangtubos na alay.
  6. Si Jesus ay babalik muli para sa Kanyang mga anak.
  7. Ang lahat ay haharap sa Diyos sa final judgement, na may eternal reward para sa mga matuwid o righteous at eternal punishment para sa makasalanan.

Hindi katulad ng ibang grupo ngayon, tayo ay naniniwala na ang church ngayon ay dapat pa ring ipangaral ang katulad na mensahe at katulad ring karanasan ng church sa New Testament. (For example, when the people believe on the Lord Jesus Christ and repent of their sins, marapat pa rin nilang asahan na silay tatanggap ng Holy Spirit na may miraculous sign ng pagsasalita ng ibat-ibang wika (speaking in tongues.) See Acts 2:1-4; 11:15-17.

Hindi ba tayo nagkakamali na ang mensahe at karanasan natin ngayon ay kahalintulad sa aral at karanasan ng mga alagad nuong una? AYon sa Panginoong Hesus, Oo. Matapos Niyang piliin ang twelve apostles, Kanyang sinabi sa kanila: “Ang sa inyoy maniwala, ay tianggap ako; at siya na tinanggap ako, ay tinanggap nman Sya na nagsugo sa akin” (Matthew 10:40).

Makatapos ng huling hapunan (Last Supper), Sinabi Niya na: “Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi” (John 14:26). Ang kaalamang ito ay makapag bibigay sa kanila ng kakayanan na magturo din sa iba. Jesus prayed not only for the apostles subalit sa mga maliligtas din sa hinaharap, sa pamamagitan ng kanilang pagtuturo. Kasama na tayo dun ngayon. (John 17:20) “Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita.”

Binigyan din ng Panginoong Hesus sila ng kapamahalan o authority to deliver people from sin sa pamamaitan ng pangangaral ng ebanghelyo at pagsasagwa ng kapamaraanan ng plano ng Kaligtasan (Matthew 18:18; John 20:23). After His resurrection, binigyan ni Jesus ng komisyon ang mga apostoles na ipahayag ang Ebanghelyo (gospel), mag convert ng mga maniniwala, mag bautismo sa kanila, at ituro ang lahat ng Kanyang kautusan (Matthew 28:19-20).

Jesus did not personally establish any local congregations or write any books. Instead, bibigay Niya ang gampaning ito sa mga apostol at kanilang mga kasama. It was His plan na ang mga future converts ay maging mga disipulo rin sa panmamagitan ng pagtangap sa kapamahalaan (authority) ng mga naunang apostol sa pamamagitan ng paniniwala at pagsunod sa kanilang mensahe.

Katulad ng naunang plano ng Panginoong Hesus, ang mga naunang believers ay “…nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.” (Acts 2:42). The apostle Paul explained na ang ebanghelyo (gospel) na kanyang ipinangaral sa mga Hentil (Gentiles) ay kahalintulad ng ebanghelyo na naunang ipinangaral ng mga orihinal at unang apostol, parehas din sa ipinangaral na ebanghelyo ni apostol Peter sa mga Hudyo (Galatians 2:1-10).

Binigyang diin din niya na ang kanyang ebanghelyo ay ang natatanging ebanghelyo na dapat paniwalaan at tanggapin (Galatians 1:8-9). Tinuro niya na ang Church ay “…mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok” (Ephesians 2:20).

Ang mga ipinangaral, tinuro, karanasan, at natural na isinagawa ng mga apostol non ay siyang marapat din para sa Iglesya sa kasalukuyan. Ang Diyos ay gumagamit rin ng ibat-iba at maraming mga saksi upang itaguyod ang katotohanan (II Corinthians 13:1.)

Maaring may ilang mga ginagawa nuon na lokal, o panandalian lamang. Subalit kung ang New Testament ay nagtalaga ng anumang apostolic norm, sa ngalan ng kaayusan at kapurihan ng Panginoon, marapat nating ito ay ipagpatuloy ngayon. If it is lacking in the church, it needs to be restored. Kagaya rin naman nito, kung may isang gampanin na nag violate ng isang apostolic norm, marapat nating itong iwaksi at huwag nang ipag patuloy.

Dahilang dito, ang mga Apostolikong pagkikilanlan (apostolic identifies), mga tiyak na aralin o doktrina, ang lahat ng mga ito ay makikita sa summary form sa Acts 2.

Key Apostolic Identities:

  • Ang Pagsisisi ay mahalagang karanasan ng pagtalikod sa kasalanan at pagharap sa Diyos, ay hidi marapat na itulad sa kapahayagan lang ng pananampalataya.

  • Ang Bautismo sa Tubig ay bahagi ng Christian initiation (pagsisimula sa pagiging kasapi), ito ay para sa paghuhugas ng mga kasalanan, at marapat na isagawa sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig na binabanggit ang pangalan ng Panginoong Jesus.

  • Ang Bautismo sa Espirito ay mahalagang bahagi rin ng Christian initiation; ay kakaiba sa binabanggit na pagpapahayag ng pananampalataya, pagsisisi, at bautismo sa tubig; at ito ay kinpapalooban ng pagsasalita ng ibat-ibang wika na siya nitong tanda.

  • Miracles, healings, at mga gifts of the Spirit ay marapat maging kabahagi at kasama ng pangangaral ng Salita ng Diyos sa mga Church ngayon.

  • Ang mga Christians ay marapat na may kakaibang uri ng pamumuhay ng pananalangin, pagsamba, panloob at panglabas na kabanalan.

  • Jesus is the one true God and Lord (Jehovah) of the Old Testament na nahayag sa laman upang maging tagapagligtas ng sanlibutan. Ang ideya na siya ay pangalawang persona ng pagka diyos ay wala sa mga apostol na tinatanggap nuong una ang aral ng mga hudyo ng nag-iisang Diyos.

Other groups acknowledge the experience of the apostles, subalit hindi nila binibigyang priority sa doctrinal developments at mga traditions na sunod sa aral ng mga apostles. Para sa kanila, ang mga mensahe at karanasan ng mga apostol ay pasimula lamang ng diskusyong sa pag-aaral tungkol sa Diyos (theological discussion), subalit sa mga apostolic Pentecostals, ang mga ito ay pangwakas na punto. Ang ating Goal ay ang panumbalikin ang Orihinal na Mensahe at karanasan ng Apotolic Church ngayon.


#Susunod na Aralin: “ANG MGA APOSTOLIKONG KATANGIAN” (APOSTOLIC DISTINCTIVES)

This post is licensed under CC BY 4.0 by the author.