Post

Ang Impierno – lugar ng walang hanggang pagpapahirap

Ang Impierno – lugar ng walang hanggang pagpapahirap

Mga Awit 9:17 Ang masama ay mauwi sa Sheol (impierno), pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. (Basahin din ang Lucas 16:19-31).

Panimula:

Inilarawan sa Biblia ang isang nakapangingilabot na dakong pupuntahan ng mga taong hindi tatalima sa ebanghelyo at hindi maglilinkod sa Dios. Ang lugar na ito ng pagdurusa ay tinatawag na impierno. Alamin natin kung ano ang itinuturo ng Banal na Kasulatan tungkol sa paksang ito at ang kaakibat na babala at ang mga bagay na dapat gawin upang tayo ay huwag mapunta sa nakatatakot na destinasyong ito.

I – Ano ang impierno?

Ang Salitang impierno (sa Hebreo – Sheol, at sa Griego – Hades) ayon sa diksiyunaryo ay: Ang tirahan ng mga masasamang espiritu at lugar ng pagdurusa o labis na pagpapahirap.

Ayon sa Biblia, Ang impierno ay lugar ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy na kung saan ang mga makasalanang tao na hindi nakakilala sa Dios at hindi tumalima sa kaniyang evangelio, pagkatapos mamatay sa panahong kasalukuyan, ay mapupunta roon upang magdanas ng kaparusahan.

Luk 16:22 At nangyari, na namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing. 23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. 24 At siya’y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigan ang aking dila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito. (Basahin din ang 1 Tes. 1:7-9; Marcos 16:16; Apoc. 14:9-12).

II – Ilan sa mga katotohanang binabanggit ng Biblia tungkol sa impierno

Ang Impierno ay:

  • Lugar ng pagdurusa sa apoy – Awit ng mga awit 8:6; Lucas 16:19-31
  • Ito’y pinagniningas dahil sa galit ng Dios sa kasalanan – Mga Awit 9:17; Mateo 25:41
  • Susupukin nito gaano man karami ang tao sa mundo na mamamatay dahil sa pagsalansang – Isaias 5:14; Isaias 14:9; Apoc. 20:11-15
  • Ang apoy at uod dito ay hindi namamatay – Marcos 9:43-48

Ang impierno ay iba sa libingan sapagkat ang impierno ay lugar na hindi namamatay ang uod at apoy, at ang mga taong mapupunta roon ay yaon lamang masasama at nakalimot o hindi naglingkod sa Dios.

Mga Awit 9:17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol (impierno), pati ng lahat ng mga bansa na nagsisiliimot sa Dios.

III – Saan matatagpuan ang Impierno?

Kapag pinag-usapan ang dakong kinalalagyan ng impierno, ang biblia ay laging nagbabanggit na ito ay nasa ilalim o ibabang dako.

Desktop View

Isa 14:9 Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga’y ang lahat na pinaka-pangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.

Mga Awit 63:9 Nguni’t ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa.

Mat 12:40 Sapagka’t kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.

1Pedro 3:18 Sapagka’t si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo’y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni’t binuhay sa espiritu; 19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, (Nangaral: Gk. Kerusso - to proclaim victory).

Eph 4:8 Kaya’t sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao. 9 (Ngayon ito, umakyat Siya, ano ito, kundi siya’y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa?

Si Jesus ay namatay at pumunta sa impierno (Hades / Sheol) hindi para maghirap o magbigay ng tsansa sa mga naroon kundi upang ipahayag ang kaniyang pagtatagumpay at kunin ang susi ng kamatayan at ng hades, at ng sa gayon ay mawala ang takot ng tao sa sumpa ng kamatayan - sapagka’t kung paanong si Cristo ay nagtagumpay ay magtatagumpay din tayo laban sa kamatayan.

Apoc 1:17 At nang siya’y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako’y ang una at ang huli, 18 At ang Nabubuhay; at ako’y namatay, at narito, ako’y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. (Basahin din: I Pedro 4:6; Efeso 4:8-10; Heb. 2:14-15; Apoc. 1:17-18)

Noong hindi pa namamatay si Cristo, ang lugar na kinalalaayan ng mga mananampalatayang namatay, tinatawag na sinapupunan ni Abraham, ay nasa ilalim ng lupa at ito’y isang dako na katapat lang ng hades na tila baga nakaangat kumpara dito ayon sa Lucas 16:23.

Dito sa Lucas 16:19-31, isinasalarawan ang dalawang dako kung saan pumupunta ang mga taong namatay. Ito ay ang Hades (impierno) o ang lugar kung saan pumupunta ang nangamatay na makasalanan – inilarawan ito bilang dako ng pagdurusa (Torment place/compartment), at ang sinapupunan ni Abraham (paraiso) – ang lugar na pinupuntahan ng mga matuwid na kaluluwa ng namatay na ayon sa pagsasalarawan ng Biblia ay ang lugar ng kaaliwan (Comfort place/compartment). Sa pagitan nila ay ang malaking bangin nagpapahiwalay upang hindi makatawid ang sinoman sa magkabila – maaaring ito yung tinatawag na Abyss o kulungan ng mga masasamang Espiritu (Apoc. 9:1-21). Dito itatapon at ikukulong si Satanas sa loob ng isang libong taon (Apoc. 20:1-3) at mula rin dito ay aahon ang hayop (Apoc. 11:7; 17:8).

Ang sinapupunan ni Abraham na dati’y nasa ilalim ng lupa, sa ngayon ay wala ng laman, sapagka’t sila’y nasa paraiso na sa itaas. Posible kaya na ang dakong ito ay inukupa na rin ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo kung kaya’t sinasabi ng Biblia na:

Isaias 5:14 Kaya’t pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon.

Desktop View

Para bagang sinasabi ng talatang ito na kahit gaano karami ang gustong pumunta sa impierno ay welcome na welcome kayo doon.

Konting kaalaman: Mayroong limang dako sa underworld ng mga yumayaong Espiritu, ang mga ito ay ang:

  1. Paradise – lugar para sa mga matuwid na kaluluwa ng namatay (Lucas 16:22; 23:43)
  2. Hades / Sheol (Impierno) – tirahan ng mga makasalanang namatay na naghihintay sa dakilang paghatol sa Puting luklukan – Apoc. 1:18; 20:11-15; Mat. 16:18; Lucas 16:22-24
  3. Tartaros – pinagkulungan sa mga anghel na nagkasala ng pakikiapid bago ang baha sa panahon ni Noe (Judas 1:6-7; 2 Pedro 2:4-6; Gen. 6:4).
  4. Bottomless Pit / Abyss – Kulungan ng masasamang Espiritu (Apoc. 9:1-21). Dito itatapon si satanas (Apoc. 20:1-3), at dito rin aahon ang hayop (Apoc. 11:7; 17:8)
  5. Lake of fire – huling hantungan ng mga taong hindi kumilala sa Dios at hindi tumalima sa evangelio – II Thes. 1:7-9; Mga Awit 9:17. Ito rin ang huling hantungan ni Satanas, ng Anti-Cristo, ng bulaang propeta at mga taong tumanggap ng tatak ng hayop – Apoc. 2:11; 14:9-11; 19:20; 20:11-15; 21:8.

Dake’s Annotated Reference Bible, Chart and Maps Page 2-3.

Ang libingan (Heb. qeburah / Gk. Mnaymion) ay lugar na kung saan ay dinadala at inilalagak ang katawan ng isang taong namatay – naglilinkod man sa Dios o hindi (Gen. 33:20; Deut.34:6; Mateo 27:59-60; Juan 11:17). Kaya nga iba ang libingan sa impierno (Mga Awit 9:17).

IV - Para kanino ginawa ang impierno?

Mat 25:41 Kung magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:

Ang impierno ay ginawa para sa Diablo at sa mga anghel na nagrebelde sa Dios at hind sa mga tao. Subalit maraming tao rin ang mapupunta sa dakong iyon dahil sa hindi nila pagsampalataya at pagtalima sa Salita ng Dios.

2Tes. 1:8 Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: 9 Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakan mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (Basahin din: Marcos 16:15-16; Mga Awit 9:17; Isaias 5:11-15).

V – Gaano kalawak ang impierno?

Isa 5:14 Kaya’t pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon.

Hab 2:5 Oo, bukod dito’y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya’y parang kamatayan, at hindi masisisyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan.

Hindi binanggit ng Biblia kung gaano kalaki ang impierno, subalit ang mga talatang nabanggit sa itaas ay nagpapakita na sapat ang sukat nito upang tanggapin ang lahat ng mga taong magrerebelde at hindi maglilinkod sa Dios.

VI—Mayroon bang buhay at pakiramdam ang mga taong mapupunta sa impierno?

Ang Isaias 14:9-11; Lucas 16:19-31; Apoc. 14:9-11 - ay ilan lang sa mga talatang nagpapatunay na may pakiramdam ang taong mapupunta sa dako ng pagdurusa o impierno. Doon ay mararamdaman nila ang napakatinding hirap sa pamamagitan ng apoy bilang kabayaran sa kanilang pagtanggi sa Dios at hindi pagtalima sa kaniyang Salita.

VII – Ano ang kaibahan ng impierno sa Dagat-dagatang apoy o Lake of Fire? Apoc. 20:11-15; 21:8

Desktop View

Ang impierno ay ang pansamantalang hantungan ng mga namamatay na makasalanan. Pagkatapos ng Milenyum (1,000 taong paghahari ni Cristo sa lupa), ang mga makasalanan ay iaahon mula rito upang makipag-isa sa nabuhay na muli at di-namamatay nilang katawan upang humarap sa Dios at itapon sa Dagat-dagatang apoy magpasa-walang hanggan (Apoc. 20:11-15).

Ang dagat-dagatang apoy o Lake of Fire ay tumutukoy sa ikalawang kamatayan o walang hanggang kapahamakan para sa lahat ng mga nagkasalang anghel, kay Satanas, sa mga demonyo at maging ang mga makasalanang taong hindi naglingkod sa Dios (Apoc. 20:6, 11-15; 21:8; 22:15). Ito ang walang hanggang impierno na magiging huling hantungan o destinasyon ng kamatayan at ng hades.

Apoc. 20:6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghahari kasama niya sa loob ng isang libong taon… 11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalaayan nila. 12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. 14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. 15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang na-kasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

VIII – Sino ang may kapangyarihang makapagtapon ng makasalanan sa impierno?

Luk 12:5 Datapuwa’t ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan.

Ang Dios lang ang siyang may kapangyarihang makakapagtapon ng ating kaluluwa doon sa impierno (Mateo 25:41; Apoc. 20:11-15). Kaya nga, siya lang ang dapat nating katakutan at paglingkuran.

IX – Paano maliligtas mula sa parusa ng impierno?

Rom 1:16 Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una’y sa Judio, at gayon din sa Griego.

Mar 16:15 At sinabi niya sa kanila, Magsipaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. 16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

Para maligtas sa parusa ng impierno, kinakailangang sampalatayanan natin ang evangelio ni Cristo at sundin ito sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa tubig. Hindi lamang tayo dapat na maging tagapakinig kundi tagatupad ng Salita ng Dios.

Santiago 1:21 Kaya’t ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa. 22 Datapuwa’t maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.

Pagtatapos:

Ayaw ng Dios na tayo ay mapunta sa kapahamakan doon sa impierno kung kaya’t iniwan Niya ang Kaniyang Salita, ang Biblia, upang malaman natin ang mga bagay na kinakailangang gawin para huwag mapunta sa dakong yaon kundi sa halip ay magtamo ng kaligtasan at ng buhay na walang hanggan.

Kung ikaw ay papipiliin, anong gugustuhin mo? Kaligtasan at buhay na walang hanggan sa piling ng Panginoon? O walang hanggang kapahamakan doon sa impierno?(Roma 6:23; Josue 24:15)

Desktop View


Sagutan ang sumusunod na mga katanungan:

  1. Mga Awit 9:17 Ang ________ ay mauwi sa Sheol (impierno), pati ng lahat ng mga bansa na ________ sa Dios.

  2. Ang ________ ay lugar ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy na kung saan ang mga makasalanang tao na hindi ________ sa Dios at hindi ________ sa kaniyang evangelio, pagkatapos mamatay sa panahong ito, ay mapupunta roon upang magdanas ng kaparusahan. (Lucas 16:22-24; II Tes. 1:7-9; Marcos 16:16).

  3. Magbigay ng dalawang talatang nagpapatunay na ang impierno ay nasa ibabang dako (ilalim ng lupa)
    A.
    B.

  4. Ayon sa ating napag-aralan sa Lucas 16:22-24, ano ang magkaibang pagsasalarawan tungkol sa impierno at Paraiso?
    A. Ang impierno ay –

    B. Ang Paraiso ay –

  5. Ibigay ang ang 5 dako ng underworld ng mga yumaong Espiritu
    A.
    B.
    C.
    D.
    E.

  6. Magbigay ng talatang nagpapatunay na mayroong buhay at pakiramdam ang mga taong mapupunta sa impierno
    A.
    B.

  7. Ibigay ang pagkakaiba ng Impierno sa Lake of Fire.

    1. Ang Impierno ay –

    2. Ang Lake of fire ay –

  8. Ayon sa Roma 1:16 at Marcos 16:15-16, ano ang dapat gawin upang maligtas at hindi mapunta sa kapahamakan doon sa impierno?


Credits

Book: Mga Pangunahing Doktrina sa Biblia - Pages 27-31
Author: Rev. Ranny D. Cometa | UPC Naga

This post is licensed under CC BY 4.0 by the author.